Noon pa man ay mahalaga na ang wika. Ito ang nagsisilbing tulay upang tayo ay makipagtalastasan sa iba at makapagpahayag ng ating saloobin. Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila ba unti-unti na ring nagbabago ang wikang ginagamit ng mga Pilipino. Ang dating mga salitang pambuong bansa ay nawawala na at napapalitan na ng mga makabagong salita. Sa pag-usbong ng mga makabagong salita ay lumalaki ang posibilidad na mapalitan na nito ang mga basikong salita na dapat nating gamitin. Dahil dito ay nabuo ang aming ideya na pangangalap ng mga babasahing tagalog na angkop sa mga bata at ang pamamahagi nito sa kanila.
Ang gawaing ito ay naglalayong maunawaan ng mga kabataan ang tamang paggamit ng wika.
Ang ating wika ay isa sa pinakamahalagang kultura na pinagyaman ng ating mga ninuno kung saan ito ay nararapat lamang nating tangkilikin, pagtibayin at mas pagyamanin. Dahil dito, minimithi namin na maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan nito bago pa ito tuluyang maisantabi dahil sa mga likhang-wika na nauuso at sumisikat dala ng malikot na imahinasyon ng isipan ng mga tao. Hinahangad namin na sa tulong ng aming mga paraan ay mabawasan ang kamang-mangan sa tamang paggamit ng ating sariling wika ang ilang mga kabataan. Nararapat lamang na matutunan ng mga bata ang tamang paggamit ng ating wika at maikumpara ang kaayusan nito kumpara sa kabalbalan ng wika sapagkat ang kabataan ang siyang magtutuloy ng henerasyon sa hinaharap. Nais naming ipagdiinan na bagamat ang wika ay daynamiko, hindi pa rin dapat kalimutan at isantabi ang wikang noon pa man ay parte na ng lipunan at gamit ng karamihan.
Ang wika ay mahalaga, gamitin ng wasto para sa sariling pag-unlad.
TumugonBurahinAlalahanin ang sabi ng ating pambansang bayani..."ANG DI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT PA ANG AMOY SA MALANSANG ISDA"
BurahinAng wika ay isa ating pagkakakilanlan natin bilang isang tunay na Pilipino, pangalawa ito sa ating pisikal na kaanyuan.
TumugonBurahinMaging ang mga munting bata na nagsisimula pa lamang magsalita ay di dapat sinasanay sa "Baby Talk", dito dapat simulan ang tamang paggamit ng wikang Filipino. Tandaan madaling manggaya ang mga bata at kung mabuti ang ating simula, mahusay ang paglaki ng bata.
TumugonBurahinMainam ang proyektong ito. Payak ngunit may nilalaman.
TumugonBurahinOkay naman blog, medyo may problema lang yata sa video.
TumugonBurahinYun din ang pansin ko,pero ang nilalaman ay ayos naman.
BurahinMaigi din nga naman ang ganitong project, kahit paano'y makakapag-paalala na dapat talagang gamitin ng tama ang ating sariling wika.
TumugonBurahin