Martes, Setyembre 29, 2015

Benepisyo at Inaasahang Resulta

Mahalaga ang ating wikang pambansa sapagkat ito ang ating ginagamit  sa pakikipagtalastasan, ginagamit din ito upang malinaw o epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng isang tao gayundin isa itong mabisang kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

      Ang pag-aaral sa  paksang ito ay mainam at masasabing napapanahon dahil ating napapansin na lubhang laganap at mas tinatangkilik ang modernong salita o lenggwahe sa pag-usad ng panahon. Ito marahil ay bunsod na rin  ng modernong komunikasyon tulad ng telebisyon, radyo, text, email, internet o social media networks gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, mga maiinit na website tulad ng Youtube. Alam naman natin na sa isang pindot lang ng button ay naroon na kaagad tayo sa piling website na pwede nating makita ang mga kasalukuyang pangyayari, mga nakaraang isyu na kapansin-pansin, maging mismong mga may akda ay gumagamit na rin ng kung anong wika o salita na napapanahon, trending o viral at madaling maintindihan. Bagamat meron din naman tayong mga websites na makikita ang mga tama o akmang salita, napupuntahan lang ito kung may pagsasaliksik at ang pagsasabuhay ay hindi pa rin ganap dahil nga marahil na rin sa ating kultura na mahilig makiuso na ika nga ay para maging in ka. Nandyan ang Jejemon, Gay Lingo, salitang-kanto at iba pang mga imbentong paraan ng pagsasalita. 
      Mahirap mang baguhin ng sistemang ito ngayon ang uri ng pagpapahayag ng damdamin ating kapwa o maging sa dayuhan ay layunin pa rin namin na ipahayag muli ang benepisyo o kahalagahan ng tama o akmang paraan ng paggamit ng wikang Filipino. Hindi man kami eksperto sa larangang ito ay maibabahagi pa rin namin sa inyo lalo na sa  mga susunod na henerasyon kung ano ang tama at nararapat. 
      Ang pangunahing benepisyo ng pagsusulong ng paggamit ng tamang wikang Filipino ay mapanatili ang tama o talagang akma ang ating sinasabi o ipapahayag at naaayon sa tamang pamantayan ng wikang Filipino. Sa kabuuan, inaasahan naming matututunan ng mga bata ang kahalagahan ng tamang gramatiko at pagsasa-ayos ng mga pangungusap upang lalong mapagtibay ang ating wika. Inaasahan din namin na maiwasan ang madalas na paggamit ng mga likhang-wika. Mas mainam pa rin na panatilihin, ibahagi at isapuso ang tamang paggamit ng wikang Filipino dahil hindi lamang ito pagyakap sa isang bahagi ng ating kultura, kundi isa rin itong simbolo ng ating Pagka-Pilipino at repleksyon din ng ating pag-uugali bilang isang Pilipino. 
      Nais lang rin naming ipahayag na sa adbokasiyang aming napili ay wala kaming layong masama. Nirerespeto namin ang mga taong gumagamit ng mga lenggwaheng "gay lingo' at "jejemon". Nirerespeto rin namin ang mga taong parte ng organisasyong LGBT. Inuulit po namin, wala po kaming masamang layunin sa adbokasiyang ito. 


3 komento:

  1. Ang Jejemon at Gay Lingo ay di naman natin sinasabing masama, ang sa atin lang naman ay gamitin ito sa piling lugar, mas mainam kung gawan ng restriksyon ang edad ng gagamit nito na sasali sa grupong gumagamit ng ganitong lengguwahe - gawing parang para sa "circle of friends lamang, parang bang isang fraternity lamang (na walang hazing).

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pwede rin nga naman. Parang Club o Organization na lang ang JEJEMON/LGBT, bagamat alam nating lumalaki ang bilang ng mga ito-Restriksyon ang solusyon para di makompromiso ang Wikang Filipino.

      Burahin
  2. tama madami s ating mga pilipino ay may ibat ibang lengguwaheng ginagamit pero ang mahalaga nagkakasundo tayong lahat at nagkakaintindihan...

    TumugonBurahin