Martes, Setyembre 29, 2015

Paunang Salita



Sa kadahilanang ang wika ay dinamiko at buhay, ito'y nagbabago. Sa kasalukuyan, masasabing ang ating wika ay unti-unting natatabunan ng mga likhang-wika o mga klase ng wikang pinausbong ng mga tao gamit ang makukulit na imahinasyon. Kasama sa mga wikang likha ay ang "jejemon" at "gay lingo".


Ang wikang Filipino ay isa sa pinakamahalagang kultura na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Hindi dapat natin kalimutang gamitin at tangkilikin ang wikang Filipino dahil ito ang nagbubuklod sa atin upang tayong lahat ay magkaisa at magkaroon ng pagkakakilanlan. Kung kaya't isinusulong naming mga mag-aaral ng De La Salle Lipa ang aming adbokasiyang pagyabungin
 at pagyamanin ang wikang Filipino.



8 komento:

  1. Pag-aralan at gamitin ng wasto.

    TumugonBurahin
  2. Mahalin ang ating wika.Ito ay pangalawa sa ating pagkakakilanlan.

    TumugonBurahin
  3. TAMA! marami sa mga kabataan ngayon ang nagpapakadalubhasa sa ibang wika at hindi na nila bibnibigyang pansin ang pagpapaunlad at pagpapahalaga sa sarili nating wika. :(

    TumugonBurahin
  4. Noong panahon ng Kastila hindi Filipino ang tawag sa atin ng mga Prayle ay mayayaman, INDIO ba ga? NGayon nasa atin ang lahat ng pagkakataon na angkinin na tayo ay tunay na Filipino, ngayon simulan natin ito sa wastong paggamit ng sariling wika.

    TumugonBurahin
  5. Ang sariling wika ay mahalaga sa isang bansa sapagkat ito ay ginagamit sa pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan upang magkaroon ng iisang mithiin at pagkakaisa tungo sa pagunlad ng bayan...mahalin at tangkilikin ang sariling wika...

    TumugonBurahin
  6. Mahalin natin ang ating sariling.wika..

    TumugonBurahin
  7. Mahalin natin ang ating sariling.wika..

    TumugonBurahin