Martes, Setyembre 29, 2015

Ang Pinag-ugatan



 Ayon sa isang reperensiya, "ang mga jejemon ay mga taong may kakaunting kaalaman sa tamang bantas, gramar at sintaks." Lalong nakilala ang mga jejemon sa kanilang paraan ng pagte-tetext - "3ow phow, mUsZtAh nA?".
Habang ang gay lingo naman ay umusbong sa pagdami ng mga taong yumayakap sa LGBT Community​. Ito ay naging lenggwahe na ng mga bakla, tomboy at ng iba pang kasapi ng nasabing komunidad.

At dahil sa pag-usbong ng mga lenggwaheng katulad ng jejemon at gay lingo, maling gamit ng wika ang kinamumulatan ng mga batang nabubuhay sa kasalukuyang henerasyon at kung hindi maaagapan ay pati na rin ang mga susunod pang henerasyon. Ang wika ay isang sistematikong balangkas na may sinusunod na istraktyur na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. Kung kaya't kung hindi maaagapan ang mga lenggwaheng-likha ay matatanggal ang kahulugang may sinusunod na istraktyur ang wika.

7 komento:

  1. Ang LGBT at JEJEMON ay kailangang makibahagi sa pagprotekta at pagrespeto sa Wikang Filipino. Ang kanilang sirkulo ang dapat na magsimula ng limitasyon at restriksyon ng paggamit ng kanilang lengguwahe.

    TumugonBurahin
  2. Maaring ang pag-usbong ng ganitong mga lengwahe(JEJEMON) ang dahilan kung bakit nakakalimutan na natin ang tamang paggamit ng mga titik o letra sa pagsusulat.

    TumugonBurahin
  3. Dapat bigyan natin ng panahon ang pag-aaral at paglinang sa wikang Filipino upang may maibahagi tayo sa susunod pa nating salinlahi.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Gaano man ka-hi tech ang bagong henerasyon, di dapat isantabi ang paglinang sa ating Wikang Filipino.

      Burahin
  4. Replekson ng ating pagkatao ang paraan ng ating pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. Gawin natin ng wasto ang paggamit ng Wikang Filipino.

    TumugonBurahin
  5. Katuwa ang signboard..sa tingin koy mas maraming maaksidente pag yun ang ikinabit sa highway.

    TumugonBurahin