Kaakibat ng pag-usbong ng iba't-ibang lenggwaheng tumatabon sa ating orihinal na wika, napukaw ang aming damdaming maka-wika. At dahil rito ay nakabuo kami ng isang adbokasiyang makakatulong upang maibsan ang kakulangan sa kaalaman ng ating mga kababayang kabataan sa isang wikang nasa antas na pambansa. Narito ang mga hakbang upang maisakatuparan ang aming adbokasiya:
(1) Napag-desisyunan namin na mangalap ng mga babasahing tagalog na para sa mga bata. Mga istoryang may kabuluhan at may aral na mapupulot. Ang mahalagang bagay sa babasahing ito ay ang salitang gamit. (Nararapat na nasa lenggwaheng tagalog ang mga babasahin). Halimbawa ng mga babasahing ito ay ang kwentong, "Si Ming-ming, si Aw-aw at si Ik-ik", "Bakit nasa labas ang buto ng kasoy?", atbp.
(2) Ang mga babasahin ay manggaling sa aming mga pangangalap, sa mga taong gustong mag-abot ng libro, mga lumang libro ng bawat isa sa amin, atbp.
(3) Sa aming adbokasiyang ito ay tutulungan namin ang isang programang handog ng Les Lasallian Lumieres, ang WEAR: Donations for Old clothes, Books and toys, na naglalayong matulungan ang ating mga kapatid na nasa isang bahay-ampunan.
(4) Linalayon ng programa na mabigyang tulong ang mga batang nasa edad 4-12 na nainirahan sa SOS Childrens Village Lipa City sa Banay-banay, Lipa, Batangas.
(5) Ang nasabing programa ay sisimulan ng mga kabataang parte ng Les Lasallian Lumieres sa tulong ng kanilang punong-tagapamahal na si Gng. Roselie Prospero.
Sa ilalim ng aming adbokasiya ay layon naming matulungan ang mga kabataang Pilipino para sa kahaharaping suliranin sa hinaharap ukol sa lenggwaheng kanilang ginagamit. At sa tulong ng organisasyong nabanggit sa itaas ay masasabi naming kahit estudyante man kaming maituturing ay alam naming kami ay may maaaring gawin para sa ikauunlad ng bukas ng sambayanang Pilipino.


Mainam ang adbokasiya ng mga batang ito dahil ang paghubog at ng isang adhikain ay magandang simulan sa kabataan. "Tiyak ang patutunguhan kung mabuti ang pagsisimulan"
TumugonBurahinKailangan na talagang gumawa ng kaukulang aksyon at pamamaraan upang mahikayat ang kabataan para paunlarin pa ang kanilang kaalaman tungkol sa ating wika. Siguradong malaki ang maiitutulong nito sa kanilang kaalaman tungkol sa wikang Filipino.
BurahinMagandang proyekto ito para sa mga taga SOS Lipa City.
TumugonBurahinKahit maliit na gawain basta may pakinabang ay malaking bagay para sa mga taong itong tinutulungan.
TumugonBurahin